Buntis binugbog ng asawa nang hindi pumayag na i-abort ang kanyang baby

Buntis binugbog ng asawa nang hindi pumayag na i-abort ang kanyang baby

Kaso sa pananakit ng babae, lalong tumaas ngayong lockdown. Isa lang dito ang kuwento ng babaeng binugbog ng kanyang asawa matapos tumanggi na magpa-abort.

Simula noong nagdeklara ng lockdown dito sa Pilipinas, tumaas na ang mga kaso sa pananakit ng babae. Isa na rito ang babae na ito na binugbog ng kanyang asawa dahil hindi pumayag na ipa-abort ang kanilang baby. Alamin ang buong pangyayari rito.

Babae, binugbog ng asawa dahil ayaw magpa-abort

Kilalanin ang 33 years old na si Ronke Adeyemi mula sa Nigeria. Siya ay buntis at binugbog umano ng kanyang asawa matapos tumangging magpalaglag.

kaso sa pananakit ng babae

Image from Within Nigeria

Ayon sa kapatid ng kanyang 35 years old na asawa, matapos na bugbugin ay ipinasok nito ang kanyang daliri sa pribadong parte ng babae upang malaglag ang bata.

Kuwento pa ng kapatid, ilang beses na rin itong nangyari simula noong sila ay ikinasal noong August 2018.

“Our sister had been complaining to us for a long time about how her husband had been maltreating her over every single issue since they got married. We always settle issues for them because there is no perfect marriage but her sin this time around was her refusal to abort her three-month-old pregnancy which she had for him.”

Kaso sa pananakit ng babae

Hindi lamang sa ibang bansa kundi maging dito sa Pilipinas ay laganap ang violence against women.

Simula noong ipatupad ang Enhanced Community Quarantine noong March 16, mayroon nang 763 cases na kasong naitala sa crimes against women. Ano nga ba ang dapat gawin sa sitwasyon na ito? Bakit nga ba laganap ang violence against women and children sa panahong ito?

kaso sa pananakit ng babae

Image from Freepik

Simula pa noong ipinatupad ang ECQ, iminungkahi na ng Commission on Human Rights na gumawa ang gobyerno ng mga hakbang para maiwasan ito. Ayon sa kanila, kailangang magkaroon ng access sa legal aid ang sinumang makararanas ng karahasan sa kanilang tahanan.

Kailangan umano ng mga biktima ng safe shelter at financial aid sakaling gustuhin ng mga ito na umalis sa kanilang bahay. Bukod dito, kailangan din nila ng medical at at psychological care na maari nilang ma-access sa pamamagitan ng tawag, chat o text.

Kung sakaling makaranas ng karahasan sa iyong tahanan, narito ang violence against women hotline na maari mong tawagan. Ang Philippine Commission on Women ay handang umagapay sa mga inaabuso sa kanilang tahanan.

Medical Assistance:

Women and Children Protection Units
Directory: https://www.childprotectionnetwork.org/wcpu-directory/

National Center for Mental Health (NCMH)
Crisis hotline: (02) 8989-8727 / 09178998727

Legal Assistance:

Public Attorney’s Office (PAO)
02) 8929-9436 local 106, 107 or 159  (Local “0” for operator
Mobile: (+63) 939-3233665
email: [email protected]

Mga puwedeng gawin sakaling maranasan ito

kaso sa pananakit ng babae

Image from Freepik

Bukod sa pagtawag sa violence against women hotline na hinihikayat talaga na iyong gawin, narito ang ilan pang puwedeng gawin sakaling makaranas ng karahasan sa tahanan.

Kung hindi kaagad na makatawag sa mga hotline, agad na magsabi sa isang taong iyong pinagkakatiwalaan. Maaring siya na rin ang mag-report nito kung natatakot kang mahuli ng abuser.

Kung hindi agad maka-responde ang mga kinauukulan, tanungin ang iyong mga kaibigan o kaanak kung maari ka na munang makitira sa kanila. Kung mayroon namang mga anak at inaalala mo sila, maaring isama na rin ang mga ito saka maghintay sa intervention ng gobyerno.

Mahalagang i-acknowledge mo kung ang iyong karelasyon ay abusive. Hindi mo kasalanan ang nangyayari kaya huwag mo rin itong i-justify. Maaaring ikaw din ay nama-manipulate ng kanyang mga salita kaya hindi mo magawang lumaban.

Hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, tumaas lalo ang bilang ng mga kaso ng domestic abuse. Ito raw kasi ay kadalasang nangyayari sa tuwing mayroong mahabang panahon na nasa bahay lamang ang mga kaanak. Ang mga abusers kasi ay nagkakaroon lamang ng oportunidad na takutin ang biktima dahil maari nitong iparamdam na nakakulong sila at walang makatutulong sa kanila.

Kaya naman sa oras na mangyari ito, kaagad na gawin ang mga nabanggit na hakbangin upang maiwasan na maulit ito. Maaring hindi magiging madali dahil sa sitwasyon at iyong pag-iisip, pero huwag i-tolerate lamang ang ganitong pangyayari.

 

Source:

Within Nigeria

Basahin:

OFW bares domestic abuse she suffered at the hands of her husband

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner