"Buy one, take two": Lalaki, pinagtanggol ang asawa kahit may dalawang anak

"Buy one, take two": Lalaki, pinagtanggol ang asawa kahit may dalawang anak

Isang lalaki na nasa isang relationship with a single mom, hindi raw ikinakahiya ang sitwasyon.

Isang lalaki na nasa relationship with a single mom, ipinaglaban ang kanyang asawa kahit na marami ang tutol sa kanila. Basahin ang kanyang pahayag sa isang Facebook post kung saan marami rin ang maaring maka-relate.

Relationship with a single mom

“I am marrying a single mother of two and I am proud of it,” ito ang pahayag ni Peter Paul Codilla sa kanyang viral post.

Si Codilla ay isang varsity basketball player sa Cebu at kamakailan lamang ay sinabi niyang papakasalan niya ang kanyang nobya. Kahit pa marami ang nagsasabi sa kanya na huwag dahil mayroon itong dalawang anak.

Ngayon ay mayroon ng isang anak si Paul at Joan na kanyang long-term girlfriend. At kahit na ganoon ay hindi raw nagbago ang pagmamahal niya sa kanya.

Ang kanilang love story

Na-engage ang dalawa noong January at sa kasalukuyan ay mayroon silang business at YouTube channel kung saan ipinapakita nila ang kanilang buhay bilang pamilya.

Nagkakilala sila noong 2016 sa paaralan sa Cebu City.

Kuwento pa ni Paul,

"Right from the start I knew Joan had two kids with her ex-partner, but I shrug that off and continued to be with her. Many were making fun of my decision to be with Joan, I kept on hearing ‘buy one take two’ comments from people. Some would even make a joke of the situation and yes, at first it got into me."

Dahil dito sandali silang naghiwalay. Pero noong na-realize daw niya kung gaano niya kamahal si Joan ay niligawan niya ito ulit.

 

Source:

CDN

Basahin:

Single moms raise great kids, just look at Coney Reyes and Vico

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

mayie

Article Stories
app info
get app banner